Monday, January 7, 2013

11th Hour - insights

We are taking too much natural resources from the planet earth, our only home in this universe. although we really cannot stop completely the habit of taking stuffs from the earth, somehow we can diminish this habit of ours by taking time to read, analyze and apply to ourselves these simple thoughts from the movie The 11th Hour.

change our culture

hindi naman sinasabi na tuluyang baguhin ang ating kultura. ang tinutukoy  dito ay baguhin ang mga kaugaliang hindi naangkop para sa ating kapaligiran.

ano ba ang klase ng kultura natin ngayon? 

narito ang mga ilang bagay na napapansin ko at marahil napapansin niyo rin. ginawa ko na ang ilan sa mga ito at marahil ay kayo rin...

  • bili nang bili culture.
    • pag may sale, bili agad kahit di naman kelangan. masabi lang na nakamura.
    • pag may latest sa gadget, fashion, appliance o kung ano pa man na latest yan, bili agad. masabi lang na 'in'.
    • konting sira sa gamit, kahit pwede naman ipa-repair o ayusin, bili agad. masabi lang na may maayos na gamit.
  • patay malisya culture.
    • pag may basurang nakita na, naapakan pa, dedma.
    • walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid. basta ako okey, pakialam ko sa'yo?

mahirap baguhin ang mga bagay na nakasanayan. ngunit kung gugustuhin natin na magbago, makakamit natin ang pagbabago.


"ang ating kultura, parang domino effect yan. hangga't sumusunod tayo sa landas 'nila', matatangay tayo."



build a sustainable design

  • ito ang pinakamagandang solusyon upang mapahaba natin ang buhay ng ating planeta.
  • kung lilikha ka rin lang ng isang bagay, gawin mo nang paki-pakinabang ito.
  • kung ano man ang kinuha natin mula sa kalikasan, dapat maibalik natin iyon sa kaniya.












integrate ecology with government
  • hikayatin ang mga nakaupo sa puwesto na tangkilikin ang konsepto ng renewable energy

things are thieves of time
  • facebook, twitter, ipad,iphone, android phone, etc.. mga bagay at gawain na di natin mabitiw-bitawan. 






  • huwag nating hayaan masayang ang ating oras sa harap ng monitor... maraming bagay sa labas na pwedeng gawin...




------------------------------------------------------------------------------------------------------------


"the earth has all the time in the world and we don't."




2 comments:

  1. Sumasangayon ako sa caption ng isa mong picture, "ang ating kultura, parang domino effect yan. hangga't sumusunod tayo sa landas 'nila', matatangay tayo." mahirap nga baguhin ang ating kultura pero kung gugustuhin natin na magbago, simulan natin sa ating sarili at mging magandang halimbawa sa iba. tama na simulan natin ang magandang landas para sa pagiingay sa kalikasan at hayaan nating matangay ang ating kapwa sa ating landas.

    umaayon din ako sa way na pinakita mo para marealize ng mga tao ang ating mga pagkakamali sa kalikasan. at sa panahon ngayon na puro technology, at madaming thieves of time, maganda siguro ko hayaan ntin manatili si thieves of time at gamitin sila para makapagsimula ng mga environmental advocacy. Hindi na kasi talga mapigilan ang technology pero kaya naman natin gamitin ang mga technologies na ito para makapagpabago ng kultura at makabuo ng sustainable design. :) nice blog anne! :)

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete